Ano ang ginagawa namin
Na-update noong ika-15 ng Disyembre 2023
May mga napakapartikular na kahulugan ang ilang salitang makikita mo, kaya tingnan ang “Rentalcars.com dictionary” sa aming Terms ng Service. Kapag nag-book ka ng Car Rental, nagbibigay at responsable ang Booking.com Transport Limited para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang B sa ibaba). Ang Booking.com Transport Limited ay company na naka-register sa England at Wales (company number: 05179829; registered office: 6 Goods Yard Street, Manchester, M3 3BG, United Kingdom).
Ginagawa naming madali para sa ‘yo na magkumpara ng mga booking mula sa maraming iba't ibang car rental company. Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras.
Sinasabi sa ‘yo ng aming Platform kung gaano karaming Car Rental ang puwede mong i-book sa amin sa buong mundo — at ipinapakita ng aming search results page kung gaano karami sa mga ito ang maaaring tama para sa ‘yo, batay sa kung ano ang sinabi mo sa amin.
Kapag nag-book ka ng sasakyan mo, pumapasok ka sa kontrata kasama namin: sumasang-ayon kaming asikasuhin at i-manage* ang booking mo.
Kapag pumirma ka ng iyong Rental Agreement sa counter, pumapasok ka sa kontrata kasama ng car rental company: sumasang-ayon silang ibigay ang sasakyan. Sa puntong ito, nakita at tinanggap mo na ang lahat ng mahalagang term (habang binu-book mo ang sasakyan).
* Narito kami para subukang tulungan ka kung kailangan mong baguhin o i-cancel ang booking mo, o kung may anumang tanong ka — bago, sa panahon ng, o pagkatapos ng iyong Car Rental.
Pinagkakatiwalaang partner ang bawat car rental company sa aming Platform, na pumasa sa lahat ng aming test bago kami nagsimulang magtrabaho kasama nila. Ang mga Service Provider lang na may contractual relationship sa amin ang ipapakita sa aming Platform. Gayunpaman, maaaring nag-aalok din sila ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi nila inaalok ang lahat sa aming Platform).
May specialist team din kami na bumibisita sa mga car rental company bago sila lumabas sa aming Platform.
Professional trader ang lahat ng Service Provider sa aming Platform.
Kumikita kami kapag nahanapan ka namin ng Rental. Ginagawa namin ito sa dalawang paraan:
- makikipagkasundo kami sa car rental company para sa commission ng aming services; o
- makikipagkasundo kami sa car rental company para sa net rate at ia-apply ang sarili naming markup.
Alinman ang paraan, nag-aalok kami sa aming mga customer ng maraming pagpipilian na may mga competitive na presyo. Bukod pa rito, libre ang aming Platform para magamit mo.
Paano gumagamit ang Rentalcars.com ng mga recommendation system Gumagamit kami ng mga recommendation system para piliin at/o i-rank ang impormasyon sa aming Platform para matulungan kang tumuklas ng Mga Travel Experience na sa tingin namin ay magugustuhan mo. Halimbawa, kapag binisita mo ang aming landing page, makakakita ka ng ilang recommendation system, kabilang ang: Ikino-connect ka sa pinakamalalaking brand sa car rental. Mga car rental company na may pinakamaraming booking. Recommendation system din ang aming search results. Sa katunayan, ito ang recommendation system na pinakamadalas na ginagamit ng aming mga customer, kaya tingnan ang “Ang aming default ranking at sorting options” sa ibaba. Batay sa isa o higit pa sa mga sumusunod na factor ang lahat ng recommendation system na ginagamit namin para magbigay ng mga rekomendasyon:
- Ano ang ilalagay mo sa search form: lokasyon, dates, at iba pa.
- Anumang impormasyong nakolekta namin na batay sa kung paano ka nagi-interact sa aming Platform: ang mga huling hinanap mo sa aming Platform, kung nasaang bansa ka habang ginagawa ang pag-browse, at iba pa.
- Ang performance ng iba’t ibang Service Provider.
Para gawing mas madali hangga't maaari para sa iyo na maghanap at mag-book ng sasakyan, ang bawat factor ay puwedeng maging mas (o hindi gaanong) mahalaga sa iba't ibang kaso, depende sa kung ano ang sa tingin namin ang napalaki ng posibilidad na makagawa ng listahan ng mga sasakyan na maaaring gusto mong i-book.
Ang aming default ranking at sorting options
Ipinapakita ng aming search results ang lahat ng car rental booking na tumutugma sa hinahanap mo.
Sa unang beses na matanggap mo ang search results mo, nakaayos (“inayos”) ang mga ito ayon sa “Inirerekomenda”:
- Inirerekomenda (default na ranking). Alam namin kung ano talaga ang mahalaga sa tao na nagrerenta ng sasakyan. Kaya, sa itaas ng aming search results, makikita mo ang mga sasakyang sa palagay namin na gusto mo, batay sa patuloy na nagbabagong algorithm na tumitimbang sa lahat ng uri ng factor (presyo, ratings, laki, kita, car specs, at iba pa).
Ang relatibong kahalagahan ng bawat isa sa mga factor na ito ay nagbabago sa lahat ng oras, para siguraduhing inirerekomenda namin ang mga pinakaangkop na sasakyan.
Marami sa mga factor sa itaas ang nakakatulong sa aming recommendation system na magpasya kung aling mga sasakyan ang maaaring pinaka-appealing at nauugnay sa iyo. Ang ilan ay gumaganap ng maliit na papel sa desisyon na iyon, habang gumaganap ng malaking papel ang iba — at puwedeng magbago ang kahalagahan ng bawat factor, depende sa mga feature ng bawat sasakyan, at sa kung paano mo ginagamit at ng ibang mga tao ang aming Platform.
Halimbawa, kadalasang may malaking papel sa mga desisyon ang click-through rate at bilang ng mga booking ng sasakyan. Iyon ay dahil direktang sumasalamin ang mga ito sa pangkalahatang appeal ng sasakyan, at kung gaano nasiyahan ang aming mga customer kapag nakakuha sila ng higit pang detalye tungkol dito.
Karaniwang nangangahulugan ang mataas na click-through rate na may magandang unang impression sa aming Platform ang sasakyan (halimbawa: sa pamamagitan ng presyo, lokasyon ng pick-up, o car rental company), at nagpapahiwatig ang maraming booking na talagang natutugunan nito ang mga kinakailangan ng maraming tao.
Pero gumaganap din ng papel ang iba pang factor. Halimbawa, maaari kaming magbigay ng preference sa mga sasakyan mula sa mga car rental company na nag-aalok ng mga payment policy na madaling ibagay at hindi mahirap unawain. Sa katunayan, iminumungkahi ng mga factor na ito na nauunawaan ng mga car rental company na ito kung gaano kahalaga ang service at kaginhawaan para sa aming mga customer.
Kung mas gugustuhin mong hindi namin unahin ang mga sasakyan batay sa mga factor na nabanggit sa itaas, puwede mong i-sort ang iyong mga resulta sa ibang paraan, gaya ng:
- Presyo (unahin ang pinakamura). Ipinapakita ang mga resulta ayon sa pagkakasunod-sunod ng presyo na inuuna ang pinakamurang option... maganda at simple.
- Rating. Ito ang factor na talagang kinokontrol ng aming mga customer: naka-rank ang mga sasakyan batay sa kanilang customer rating, na inuuna ang pinakamataas. Diretsong nanggaling ang ratings na iyon mula sa “welcome home survey” na ipinapadala namin sa lahat pagkatapos ng kanilang rental, na humihiling sa kanilang bigyan ang kanilang car rental company ng marka na hanggang 10 — sa mga pinakamahalagang area (matulunging staff, kondisyon ng sasakyan, pagkasulit, at iba pa)*.
- Layo. Ipinapakita ang mga resulta ayon sa layo mula sa lokasyon na hinanap mo.
Kung pipiliin mo ang “Presyo (unahin ang pinakamura)” o “Rating”, maiimpluwensiyahan pa rin ng mga factor ang mga bagay na inilarawan sa “Inirerekomenda”. Halimbawa, maaaring maging pangalawang “tiebreaker” ang mga factor na iyon ng dalawa o higit pang sasakyan na lalabas sa parehong spot kung wala ito. Gayunpaman, pangpangalawa lang ang mga factor na “Inirerekomenda” — dahil ginagamit lang ang mga ito kung saan kailangan nating magpasya kung alin sa dalawang sasakyan ang uunahin.
Anumang sorting option ang piliin mo, magagamit mo ang mga filter para mabawasan ang mga resulta mo.
Pagkatapos ng iyong Rental, hihilingin sa iyong mag-iwan ng review na maaaring:
- i-upload sa aming Platform para matulungan ang ibang customers na gumawa ng tamang desisyon para sa kanila*
- gamitin para sa mga layunin ng marketing (sa aming Platform, sa social media, sa mga newsletter, at iba pa)*
- ibahagi sa iyong car rental company para matulungan sila (at kami) na makapagbigay ng mas maayos na service**.
Pina-publish namin ang bawat consumer review na natatanggap namin, positibo o negatibo man, maliban kung nilalabag nito ang aming Mga Pamantayan at Guideline ng Content. Kapag maraming review, ipapakita namin ang mga pinakabago sa itaas. Tandaan na sa aming app, ipinapakita lang namin ang mga score at hindi ang mga comment. * Hindi namin gagamitin ang iyong buong pangalan o ang iyong address. ** Para tulungang mag-improve ang car rental company, kakailanganin naming sabihin sa kanila kung sa aling Car Rental tungkol ang review.
Ang mga rate na ipinapakita sa aming Platform ay na-set namin o ng mga Service Provider — pero maaaring i-finance namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sarili naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang ibang charge na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang extra, insurance, o tax). Maaaring mag-iba ang taxes at fees para sa iba't ibang dahilan, tulad ng lokasyon ng Service Provider, lokasyon ng pick-up o kung ano ang pinaplano mong gawin sa iyong Car Rental. Sinasabi sa ‘yo ng price description kung ano ang mga tax (kung mayroon man) ang kasama. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Nagbibigay ang aming Platform ng description ng anumang equipment na inaalok ng mga Service Provider (batay sa kung ano ang sinabi nila sa amin). Sinasabi rin nito sa ‘yo kung magkano ang gastos para sa mga ito.
Ang currency conversion ay para sa pagbibigay ng impormasyon lang; maaaring iba ang mga actual rate.
Kapag nag-book ka ng Car Rental sa aming Platform, aayusin ng Rentalcars.com ang iyong payment. Para sa detalye, tingnan ang “Payment” (A7) sa aming Terms ng Service.
Kung mayroon kang anumang tanong, o may hindi nangyari ayon sa plano, kontakin kami. Kung tungkol ito sa nangyari sa panahon ng Car Rental mo, matutulungan ka namin nang mas mabilis kung ibibigay mo ang:
- iyong Booking reference number, at ang email address na ginamit mo noong mag-book ng iyong sasakyan
- summary ng issue, kasama na kung paano ka namin matutulungan
- detalye ng anumang na-charge sa ‘yo
- anumang supporting document (bank statement, rental agreement, final invoice, documentation ng pagkasira, photos, boarding pass, receipts, at iba pa).
Kung gawin mo ito, makikipag-ugnayan sa iyo ang isa sa aming agents sa lalong madaling panahon. Maaaring kailangan ka nilang tanungin ng ilan pang detalye. Anuman ang issue, gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka. Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A13) at “Naaangkop na batas at forum” (A17) sa aming Terms ng service.